Земля хотя и не роднаяby Anna Akhmatova. The original poem can be found here.
Ang lupang ito, hindi man aki’y
Mananatili pa rin sa aking gunita—
Ang dagat niyang kay lamig at kay tabang,
Ang buhanging simputi ng umaga,
Ang hangin niyang langô, ang mga punong
Binabalot ng pula tuwing dapithapon—
Dapithapon! Ikinukubli ng bawat mong sinag
Ang patapós nang araw, ang patapós nang mundo,
Saka iiwan akong hubad sa piling ng aking mga sikreto.
1964
Previous post
Ai Weiwei & other visions of New York