‘Hatinggabi’ ni Jiří Karásek
August 5, 2019
Karásek is one of the main figures in Czech modernist poetry, particular the Czech Decadent movement of the early twentieth century. Below is a Tagalog translation, rather unfaithful, of his poem “Propast” (“Abyss”), which appears in the collection Sodoma.
Pag himbing na ang lahat sa lalim ng gabi, saka babangong dahan-dahan ang aninong buong araw naidlip. Yayakapin ka nito habang himbing kang tulad ng siyudad sa paligid mo, nanaginip na isa ka sa mga hindi makatulog, da mga aligagang binabaybay ang mga bakanteng daan sa hatinggabi. Natatakot ka sa kung anong kaya nitong gawin, ngunit ayaw mong umalpas sa malamig nitong bisig—patuloy ka sa paglalakad, sa pagbibilang kung ilang poste na ang iyong nadaanan, naghahanap ng kasama, pero sikretong umaasang wala ka sanang makita.
Ramdam no ba ‘yon? ‘Yan ang kuko nitong dahan-dahang bumabaon sa iyong mga braso. Mahapdi—pero teka lang, pumikit ka, mawawala rin yan. At kailan pa ba nagkakuko ang mga anino. Pero teka lang ulit—hindi ngayon ang panahon para magtanong, nakatitig sa’yo ang mga mata nitong pula puti dilaw luntian—kasinliwanag ng mga alitaptap na matagal nang tumigil sa pagkisap.
Saglit kang naulol. Napangiwi. Tumagos na ang kuko sa’yong mga buto. Yakap ka pa rin ng anino. Nakakatitig pa rin ito sa’yo. Patuloy ka pa ring nananaginip na isa ka sa mga hindi makatulog, da mga aligagang binabaybay ang mga bakanteng daan sa hatinggabi.